NEWS UPDATES

Kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa North Cotabato, pasisinayaan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/May 24, 2012) ---Pasisinayaan ang kauna-unahang Gender Welfare Assistance Center o GWAC sa probinsiya ng North Cotabato na makikita sa Kabacan Terminal Complex.

Gagawin ang inagurasyon sa May 29, 2012 kungsaan mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza ang magiging panauhing pandangal.

Ayon kay Tourism Designate Officer Sarrah Jane Guererro ang nasabing proyekto ay bahagi ng programa ng LGU na isinusulong ni Kabacan Mayor George Tan upang mabigyan ng importansiya ang mga bumabiyaheng ina na mapasuso ang kanilang mga sanggol sa nasabing center. 
                                      
Maaari rin umanong makapagpahinga ang mga inang may maraming anak na bumibiyahe sa nasabing Gender Welfare Assistance Center bukod pa sa may urinal area din para sa mga bata at maari ring makapag-change ng diaper ang mga ina sa kanilang baby na makikita sa mismong Kabacan Terminal complex. 
                                                  
Ang GWAC ay pangangasiwaan din ng MSWDO at ng Local Council of Women sa pangunguna ni LCW President Yvonne Saliling. (Rhoderick Benez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento