Ayon kay SP01 Kenneth Garbin, investigator
ng Kabacan PNP, galing umano sa Koronadal city ang nasabing Van lulan ang labin
apat na mga pasahero.
Sumakay ang dalawang mga hold-upper sa
terminal ng Koronadal at nagpanggap na pasahero subalit pag dating sa nabanggit
na lugar ay nag-deklara ng hold-up ang mga salarin.
Abot sa libu-libong halaga ng mga cash at
mga personal na gamit kasama na ang laptop at mga cellphone ng pasahero ang
natangay ng dalawang armadong salarin.
Tumakas ang mga suspetsado sakay sa get away
vehicle na single motorcycle na walang plate number na una ng nakabantay sa
nabanggit na lugar.
Subject for manhunt na ngayon ng Kabacan PNP
ang nasabing mga suspek. (Rhoderick Benez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento