(Carmen, North Cotabato/ December 14, 2013) --- December Matagumpay na isinagawa ang bidding para sa proyektong gusali na itatayo sa mga pampublikong paaralan na apektado ng magnitude 5.7 na lindol sa Carmen, North Cotabato nitong Hunyo.
Ayon kay Cotabato Schools Division Assistant Superintendent Romelito Flores sisimulan na sa susunod na taon ang pagtatayo ng nasabing mga gusali.
NEWS UPDATES
▼
(Update) Barangay Poblacion, may nakalaang budget para pambayad sa Cotelco, paglobo ng utang, ipinaliwanag
(Kabacan, North Cotabato/ December 14, 2013)
---Noon pa umanong mga nakalipas na administrasyon sa barangay ng Poblacion
Kabacan ay may malaking balanse na sa utang ang Barangay sa Cotelco.
Ito ayon kay dating Kapitan at ngayon ay
Poblacion Kagawad Edna “Nanay” Macaya, aniya naglabas sila ng budget para
pambayad sa street lights na P600,000.00 pero ang bill ng kuryente abot sa
higit P750,000.00.
Barangay Defense System, pinalalakas ng Kabacan PNP
(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013) ---Muling
inorganisa ng Kabacan PNP sa ilang mga barangay sa bayan ang Barangay Peace
Keeping Action Team o BPAT.
Ayon kay PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP
layon nito na palakasin pa ang defense system sa mga barangay at preventive
measures laban sa mga crime activities sa mga malalayong barangay ng Kabacan.
4 na mga Sitios sa Kabacan, maiilawan sa ilalaim ng SEP
(Kabacan, North Cotabato/ December 13, 2013)
---Apat na mga Sitios sa bayan ng Kabacan ang ngayon ay benepisyaryo ng Sitios
Electrification Program ng Department of Energy o DOE.
Ito ang sinabi ni COTELCO Spokesperson
Vincent Baguio kabilang na dito ang Sitio Lagundungan sa Magatos; Purok
Tagumpay ng Pisan; Sitio Kibales ng Kayaga at Purok Magalao ng Magatos.
Paglilipat ng NABCOR sa pangangalaga ng LGU-Kabacan, isinusulong ng isang konsehal
(Kabacan, North Cotabato/ December 12, 2013)
---Naghain ngayon ng isang resolusyon sa Sanggunian si Kagawad Jonathan Tabara,
may hawak ng committee on agriculture hinggil sa paglilipat ng NABCOR sa pangangalaga
ng LGU.
Ang resolution No. 2013-222 ay humihiling
kay DA Secretary Proceso Alcala sa pamamagitan ni Regional Executive Director
Amalia Jayag Datukan na i-turn-over sa LGU Kabacan ang operation at maintenance
ng NABCOR-Kabacan.
Ito dahil sa napipintong pag-abolish o
pagtanggal ng Pamahalaang Nasyunal dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya.
Tax Amnesty Program, patuloy na ipinapatupad ng LGU Kabacan
(Kabacan, North
Cotabato/ December 12, 2013) ---Patuloy ngayon ang panawagan ng Pamahalaang
Lokal ng Kabacan sa mga di pa nakakabayad ng kanilang Real Property Tax na
mag-avail ng tax amnesty program sa mga may penalidad o tax delinquent.
Ayon kay Municipal
Assessor Magdiolena Esteban na ang nasabing programa ay hanggang sa December
31, 2013 na lamang.
Mga Street Lights ng Poblacion, Kabacan, pinutulan na ng Serbisyo; P700K na utang ng Barangay Poblacion sa Cotelco, di pa rin nabayaran
(Kabacan, North
Cotabato/ December 12, 2013) ---Posibleng magdidilim ang ilang mga pangunahing
lansangan at kalye ng Poblacion, Kabacan matapos na putulan na ng Cotelco ang
serbisyo ng street lights.
Ito matapos na bigong
maka-bayad ang Barangay Poblacion ng kanilang obligasyon sa cotelco na umaabot
na sa P700,000.00 ang utang ng nakaraang administrasyon ng Barangay sa
kooperatiba.
2 sugatan sa pamamaril sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ December 11, 2013)
---Sugatan ang dalawa katao makaraang pagbabarilin sa Brgy. Malanduague,
Kabacan, Cotabato alas 9:48 ng gabi kamakalawa.
Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang mga biktima na sina Roel Roy Corpuz, 23, binate at residente
ng Brgy. Aringay at Jaymar Olinares, 24, may-asawa at residente ng brgy. Osias
ng bayang ito.
Grupo ng mga magsasaka nakiisa sa blood letting sa Pigcawayan, North Cotabato
Written
By: Roderick Rivera Bautista
(Pigcawayan,
North Cotabato/ December 9, 2013) ---Mismong ang mga magsasakang kasapi ng
Buluan Irrigators’ Association sa Pigcawayan, North Cotabato ang dumalo at
boluntaryong nag-donate ng kanilang mga dugo sa isinagawang blood letting
activity ngayong araw sa Barangay Buluan.
Abot sa labing-siyam na bags of blood ang
nakolekta mula sa mga donors.
Suspek sa pamamaril, tiklo
(Arakan,
North Cotabato/ December 9, 2013) ---Arestado ng pinagsanib na pwersa ng Arakan
PNP at mga Barangay officials ang isang magsasakang suspek sa pamamaril sa
Sitio Katindu, Barangay Malibatuan, Arakan, North Cotabato.
Kinilala
ang suspek na si Jay Boy Tuando.
Ayon
sa report, nagka-alitan ang suspek at ang biktimang si Morales Ansado,40-anyos
na residente ng lugar na nauwi sa pagbaril ng suspek sa biktima.
Serye ng dayalogo idadaos kaugnay ng 2014 FMR development projects sa PPALMA
Written By: Roderick Rivera Bautista
Matapos aprubahan ang abot sa 100 milyong
pisong halaga ng Farm-to-Market Road o FMR development projects sa unang
distrito ng North Cotabato ay magsasagawa ng serye ng dayalogo kaugnay nito.
Pangungunahan ito ng tanggapan ni Cong. Jesus
Sacdalan kasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways o
DPWH Cotabato Second Engineering District Office at mga lokal na pamahalaan sa
PPALMA.
Mga kasuotang gawa ng local designers sa Cotabato City tampok sa ND Fest 2013
Written by: Roderick
Bautista
Punong-puno
ang Notre Dame University o NDU gymnasium sa Cotabato City nang ganapin ang
Search for Mister and Miss ND Fest 2013 nitong Biyernes ng gabi, a-6 ng
Disyembre.
Isa
sa mga naging highlight ng pageant night ay ang pagsusuot ng mga kalahok ng iba’t-
ibang kasuotan na ginawa ng local designers ng lungsod.
Tampok
sa nasabing patimpalak ang makukulay at naggagandahang continental attire,
casual wear at formal wear.
Gov. Lala, suportado ang pagkakalagda sa power sharing
(Amas, Kidapawan City/ December 9,
2013) --- Isang welcome development ang pagkaka-lagda ng power sharing ng
framework agreement on the Bangsamoro kahapon bilang maagang regalo sa mga
taga-Mindanao.
Ito ang naging pahayag ni Cot. Gov.
Lala Mendoza matapos na mapagtibay ang "power sharing" deal.
Kungsaan, umaasa ang gobernador na mapaplansta
at malalagdaan na rin sa lalong madaling panahon ang natitira pang
"annexes" sa binabalangkas na Bangsamoro Framework Agreement sa
pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at ng GPH.