(Pikit, North Cotabato/June
12, 2012) ---Itinuturing na’ng National Historical Landmark ang Fort Pikit sa
bayan ng Pikit, North Cotabato.
Ito
ang kauna-unahang historical landmark sa probinsiya sa buong rehiyon ng
Southwest Mindanao.
Ayon
kay Cotabato Governor Lala Mendoza, higit isang taon din ang ginugol nila upang
gawin ang research at documentation sa kasaysayan ng Fort Pikit.
Isang
technical working group ang binuo ni Mendoza para gawin ang research, katuwang
ang Pikit municipal LGU.