NEWS UPDATES

3 kataong huli sa aktong nahihit-hit ng shabu; arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/June 14, 2012) ---Huli ng mga otoridad sa aktong naghihithit ng illegal na droga ang tatlo katao sa loob ng Pulido’s Video K House, na nasa Rizal Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 10:30 kagabi.

Nanguna sa pag-aresto si Supt. Raul Supiter, hepe ng Kabacan PNP sa mga nag-po-pot session na sina Kristoffer Delarea, Mano Pangilan Benito at Chaldemie Garido Laurente.  
Narekober, mula sa kustodiya at control ng mga salarin ang isang piraso ng heta sealed plastic sachet na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu at iba pang mga illegal drug paraphernalia’s.     
                                                  
Ang pagkakahuli sa tatlo ay sinaksihan din ni Brgy. Kagawad Del Rosario kagabi kungsaan agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek. (Rhoderick Beñez)  

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento