
Kaugnay nito, gagawing ngayong umaga
ang programa hinggil sa ika- isangdaan at labing apat na taong selebrasyon ng
Independence day na isasagawa mamayang alas 7:00 sa Municipal Plaza.
Magiging panauhing pandangal at
tagapagsalita si Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 16 12th
Judicial Region Hon. Alandrex Betoya sa nasabing programa.
Dadalo rin ang punong ehekutibo ng
bayan na si Kabacan Mayor George Tan, Vice Mayor Pol dulay at ilan pang mga
opisyal kasama na ang mga kawani ng LGU.
Nakatuon ang selebrasyon ng nasabing
programa sa temang “Pananagutan ng Bayan para sa tuwid na daan” kungsaan maging
ang USM ay makikiisa rin sa nasabing pagdiriwang. (Rhoderick Benez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento