Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng
Kabacan PNP ang mga bikitma na sina: Berlie Baluyot, 46 taong gulang, may
asawa, residente ng Doña Aurora Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang
binti; Rosalie Pareñas, 36 taong gulang, residente ng Brgy Bannawag, Kabacan na
tinamaan sa kanyang ulo; John Clark Mantilla Opena, 13 taong gulang residente
ng Roxas Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang paa; Gerardo Ombrete
Moya, 48 taong gulang, may asawa, residente ng Maria Clara Street, Poblacion
Kabacan na tinaamaan sa kanyang kanang dibdib at si Johainna Pops Suelo Alon,
17 taong gulang, residente ng Quirino street, Poblacion Kabacan.
NEWS UPDATES
▼
5 Katao, sugatan sa pagsabog ng granada sa Kabacan
Soccer player ng USM-KCC, nasa maayos ng kondisyon matapos na masangkot sa aksidente habang naglalaro sa MASTS
(North Cotabato/ November 13, 2015) --- Nasa
maayos na kalagayan na ang Soccer player ng University of Southern Mindanao-
Kidapawan City Campus (USM-KCC) matapos na masangkot sa aksidente habang
naglalaro sa isinagawang Mindanao Association of State Tertiary Schools o MASTS
sa Pagadian City sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ito ayon kay Dr. Moises Renan Sungcad, ang
attending physician ng biktimang si Bhern Rhenz Tapang Tusale, 21-anyos ng
Kidapawan City.
Sinabi sa DXVL News ni Sungcad na
aksidenteng natamaan ng tuhod ng kalaban ang tiyan ni Tusale habang naglalaro
at idenedepensa ang koponan.
One Time, Bigtime Operation; 270 motorsiklo naka-impound
(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015)
---Pinangunahan ng Cotabato Provincial Police Office kasama ang mga alagad ng
PNP Midsayap ang One Time- Big Time Lambat- Sibat at operasyon kontra illegal
numbers game sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Mismong si Cotabato Police Provincial
Director PSUPT. Alexander Tagum ang nanguna sa operasyon ng pulisya ngayong
raw.
Labing anim na suspect ang nahuli dahil sa
paglabag sa RA 9287.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang iba’t-
ibang gambling paraphernalia at bet money na umabot sa halagang P21, 760.
P14.6M infra at electrification projects ng PG Cot nai-turn over sa Midsayap, Cotabato
(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015)
---Abot sa P14.6M ang kabuuang halaga ng mga infrastructure at electrification
projects ang naipamahagi sa 8 mga barangay sa Midsayap, Cotabato nitong Sabado,
Nov. 7, 2015.
Kabilang sa naturang proyekto ang solar
dryer na nagkakahalaga ng P300,000 para sa Barangay Nabalawag, 298-mtr barangay
road concreting project sa Barangay
Lower Katingawan na nagkakahalaga ng P3M, 339-mtr barangay road concreting
project sa Barangay Bagumba-P3M, covered court para sa Barangay Lagumbigan-P1.5M,
Multi-Purpose Building para sa Central Labas- P600,000, Multi-Purpose Building
para sa Upper Labas- P600,000, covered court para sa Barangay Upper
Bulanan-P1.5M at electrification project – constructed lateral lines with 63
poles-P4.1M.
Libreng Binhi ng Palay, Ipinamahagi ng OPA Bilang Calamity Seeds Assistance
(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Upang
matulungang makapagtanim muli ang mga magsasaka ng palay na nasalanta ng
nakaraang kalamidad na El Niño, namahagi mula Oktubre hanggang Nobyembre 13,
2015 ang Office of the Provincial Agriculturist ng kabuuang 1,691 bags ng libreng
certified palay seeds sa kaparehong bilang ng mga recipients sa buong
lalawigan.
Ang mga binhi ng palay na naipamahagi ay nagkakahalaga ng kabuuang P2.3M
na may presyong P1,360 kada sako.
MILF, mas pinaigting ang kampanya laban sa illegal na droga
(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Mas
pinaigting pa ngayon ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang
kanilang kampanya laban sa pagsugpo ng illegal na droga sa lugar na sakop ng
Bangsamoro Region.
Ito batay sa inilabas na kalatas ng MILF
kungsaan nakasaad sa nasabing resolusyon hinggil sa mahigpit na ipagbawal ang
paggamit ng shabu at pagbebenta nito sa Bangsamoro areas at mga karatig na
lugar.
Inatasan na rin ng MILF Central Committee si
MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces Chief of Staff, Sammy Al-Mansour na
ipatupad ang resolusyon sa lalong madaling panahon.
Mag-ama galing lamay patay matapos mabangga sa Dump Truck sa Sultan Kudarat
(Sultan Kudarat/ November 12, 2015) ---Pagkatapos
makipaglamay sa isang kaanak na namatay ay pinaglalamayan naman ngayon ang
isang mag-ama matapos na sila ay bumangga habang sakay ng motorsiklo sa
nakaparadang dump truck kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang
mag-amang Dionisio P. Lacuesta, 52 at John Carlo, 17, criminology student na
pawang Residente ng Purok 4, Diego Silang St.
Bilyung halaga ng proyekto, ipinamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka at LGU sa Rehiyon 12
(Koronadal City/ November 12, 2015) ---Abot sa
P0.538 Bilyung halaga ng mga proyekto ang ipinamahagi ng Department of
Agriculture sa mga magsasaka at mga Local Government Units o LGUs sa Rehiyon 12
na isinagawa sa DA Regional Field Office 12 sa Regional Center, Barangay
Carpenter Hill, Koronadal City kahapon.
Pinangunahan mismo ni DA Secretary Proseso
Alcala ang nasabing programa sa harap ng libu-libung mga magsasaka at
mangingisda at mga lokal na opisyal ng Rehiyon.
42-anyos na laborer, huli sa illegal na droga sa Matalam, Cotabato

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito ang suspek na si Antonio
Vidal Villar, laborer at residente ng Brgy. Talomo, Davao City.
Nakuha mula sa kanya ang isang pirasong malaking heat
sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at may street value na P6,000.
4-anyos na paslit, sugatan sa panghahagis ng granada sa Kabacan, Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Sugatan ang isang 4-anyos na bata makaraang
matamaan ng pagsabog ng granada na inihagis sa harap ng Rock Oil station
malapit lamang sa bagong inilagay na PNP COMPAC na nasa Brgy. Kayaga, Kabacan,
Cotabato alas 7:00 kagabi.
Nasa maayos namang kondisyon ngayon ang
biktima na menor de edad, ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.
Batay sa ulat sakay ang biktima sa isang
multicab na binabaybay ang National Highway ng mangyari ang insidente.
Residential House sa Kabacan, nasunog!
(Kabacan, North Cotabato/ November 11, 2015)
---Abot sa P15,000 ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa isang
residential house na nasa Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas
7:26 kagabi.
Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni
FSI Ibrahim Guiamalon na nagsimula ang
sunog alas 7:24 at tuluyan itong na fire-out alas 7:34 ng gabi.
Kinilala ang may ari ng bahay na si Rudolfo
Garcia Sr.
Confirmation ni Sec Magno ng DepeD ARMM naharang
(Cotabato City/ November 11, 2015) ---Ipinagpaliban
ng Autonomus Region in Muslim Mindanao o ARMM Regional Legislative Assembly ang
kumpirmasyon ni ARMM-Deped Secretary John Magno.
Ito matapos na maharang ito dahil sa
isinagawang hearing na itinakda ng RLA matapos na maghain ng reklamo si Marawi
Schools Division Supt. Mona Macatanong.
Carnapper na tulak droga, huli ng mga otoridad sa bayan ng Midsayap
(Midsayap, North Cotabato/ November 11, 2015) ---Kalaboso
ang pinaghihinalaang carnapper makaraang mahuli ng mga otoridad sa inilatag na hot
pursuit operation sa Brgy. Central Glad, Midsayap Cotabato pasado alas 10:00
kahapon ng umaga.
Kinilala ni Police Supt. Gilberto P. Tuzon ang suspek na
si Jimmy Mentaligo Sultan, 43 anyos, kasado walang trabaho at residente ng
Tinululan Pikit Cotabato.
Magsasaka, panibagong biktima ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato
(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015)
---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong
pamamaril na naganap sa panulukan ng National Highway sa harap ng Villa Oro,
Poblacion, Matalam, North Cotabato pasado alas 7:00 kaninang umaga.
Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito, hepe
ng Matalam PNP ang biktima na si Alehodin Mangadta, 46 anyos, magsasaka at
residente ng Purok 6, Brgy. Kidama ng bayang ito.
Lalaki, kulong matapos mahulihan ng di lisensyadong baril sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ November 10, 2015)
---Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of
firearms ang isang 37-anyos na lalaki matapos mahulihan ng di lisensiyadong
baril sa Poblacion, Kabacan, North Cotabato.
Ang suspek ay kinilala ni Police Senior Ins.
Ronnie Cordero hepe ng Kabacan City PNP na si Aljie Panangulon Maidu,
may-asawa, na taga Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan.
Nahuli ang suspek habang nakatayo sa isang
establishemento sa Rizal Avenue kungsaan nakitaan ito ng baril na salukbit
nito.
2015 Batang Pinoy National Championships pinaghahandaan na ng Cot Province
AMAS,
Kidapawan City (Nov
9)
- Matapos sumabak sa 2015 Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa
Koronadal City noong October 24-29, 2015 at masungkit ang 9 gold,15 silver at
16 bronze medals, pinaghahandaan na ngayon ng Cotabato delegation ang mas
maigting na kompetisyon sa National Championships sa Cebu City sa darating na
Nov. 27-Dec 2.
Ayon kay Philippine Karatedo Association 12
Regional Chairman at Karatedo Head Coach Nonoy Sedo Alejo, abot sa 60 atletang
elementarya at high school ang sasabak sa National Championships ng 2015 Batang
Pinoy at kasalukuyang sumasailalim sa ibayong training ang mga ito.
16 na buwan na MOOE ng Marawi City Division, hindi pa naibigay!
(Marawi City/ November 9, 2015) ---Hanggang
ngayon ay hindi pa rin naibibigay ng Department of Education DepEd-ARMM ang
Maintenance, Operating and Other Expenses o MOOE ng Marawi City Division sa
lalawigan ng Lanao del Sur.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Marawi City
Schools Division Supt. Mona Macatanong kungsaan noon pang Hunyo 2014 hanggang
ngayon ay ni-hold ng DepEd-ARMM ang kanilang MOOE.
Ayon kay Macatanong, walang dahilan ang
ARMM-Deped na hindi nila ibigay ang MOOE ng nasabing sangay ng paaralan kasi
lahat naman ng alegasyon at dahilan nila sa hindi pag-download ay natugunan
naman ng Superintendent.