NEWS UPDATES

Magsasaka, panibagong biktima ng pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa panibagong pamamaril na naganap sa panulukan ng National Highway sa harap ng Villa Oro, Poblacion, Matalam, North Cotabato pasado alas 7:00 kaninang umaga.

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Alehodin Mangadta, 46 anyos, magsasaka at residente ng Purok 6, Brgy. Kidama ng bayang ito.

Ayon sa report, lulan ang biktima ng kanyang Honda XR 200 na may plakang 3351OL buhat sa kanilang tahanan papunta sa Poblacion ng Matalam at pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ang biktima ng tatlong beses gamit ang di pa matukoy na uri ng armas.

Dahil sa insidente, agad namang rumesponde ang mga sumaklolong residente at isinugod ang biktima sa pinakamalapit na bahay pagamutan.


Mabilis namang umiskapo ang mga suspek sa di malamang direksyon na ngayon ay patuloy na tinutugis ng mga elemento ng Matalam PNP, ayon sa report ni SPO2 Froilan Gravidez. Zhaira Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento