NEWS UPDATES

Mag-ama galing lamay patay matapos mabangga sa Dump Truck sa Sultan Kudarat

(Sultan Kudarat/ November 12, 2015) ---Pagkatapos makipag­lamay sa isang kaanak na namatay ay pinaglalamayan naman ngayon ang isang mag-ama matapos na sila ay bumangga habang sakay ng motorsiklo sa nakaparadang dump truck kamakalawa ng gabi sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang mag-amang Dionisio P. Lacuesta, 52 at John Carlo, 17, criminology student na pawang Residente ng Purok 4, Diego Silang St.

Batay sa ulat, galing ang mag-ama sa burol ng kanilang kaanak sa Sitio Lagon, Barangay Kalanawe 2.

Nagpaalam na ang mga ito sa kanilang kaanak na uuwi at sumakay sa kanilang Bajaj 100 motorcycle.

Habang binabaybay ang kahabaan ng national highway sa crossing ng Purok Malipayon ay bigla na lamang silang sumalpok sa nakaparadang dump truck (GHR-460) na pagmamay-ari ni Rey Tejano residente ng New Nongnongan Maramag Don Carlos, Bukidnon.

Sa lakas nang pagkabangga ay kapwa tumi­lapon ang mag-ama at una ang ulo na bumagsak sa kalsada.

Malaki ang hinala ng pulisya na hindi napansin ng mag-ama ang nakaparadang dump truck na posibleng madilim ang lugar.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng dump truck na si Benjie T. Vergara, residente ng Kaira Don Carlos Bukidnon at nakatakdang kasuhan. Rhoderick Beñez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento