NEWS UPDATES

42-anyos na laborer, huli sa illegal na droga sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Arestado ang isang 42-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng ipinagbabawal na gamot sa National Highway ng Matalam-Kidapawan road, ilang metro lamang ang layo mula sa Rotanda ng Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 7:30 kagabi.

Kinilala ni PCI Sunny Rubas Leoncito ang suspek na si Antonio Vidal Villar, laborer at residente ng Brgy. Talomo, Davao City.

Nakuha mula sa kanya ang isang pirasong malaking heat sealed transparent sachet na naglalaman ng shabu at may street value na P6,000.

Nahuli ang suspek sa mas pinaigting na kampanya ng Matalam PNP laban sa illegal na droga. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento