NEWS UPDATES

35-anyos panibagong biktima ng nakaw motorsiklo sa Kidapawan city

(Kidapawan City/ July 15, 2015) ---Tinangay ng di pa nakilalang suspek ang motorsiklo ng 35-anyos na Ginuo matapos na kanyang iparada ito sa Dayao Street, Kidapawan City kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kidapawan City PNP Traffic Division ang biktima na si Edgar Paran, 35- anyos na taga brgy. Ilomavis, Kidapawan city.

Ayon kay Paran, pinarada lamang niya ang kaniyang Honda TMX 155 na may license plate na MH 1676 sa gilid ng isang establisyemento ng bigla na lamang ito mawala.

Naniniwala naman ang biktima na nagkaroon ng tiyansa ang magnanakaw na tangayin ang kanyang sasakyan matapos itong iwanan sa nabanggit na lugar.

Paalala naman ng PNP na huwag maging kampante na iwanang hindi naka lock ang mga sasakyan para di mabiktima ng magnanakaw. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento