NEWS UPDATES

Tree Growing Activity ng DXVL Radyo ng Bayan, matagumpay na naisagawa!

(Kabacan, North Cotabato/ July 15, 2015) ---Sa layuning mapangalagaan ang kapaligiran, matagumpay na naisagawa ang isang Tree Growing Activity na pinangunahan ng DXVL KOOL FM -Radyo ng Bayan ngayong umaga.

Katuwang ng himpilan ang University Student Government ng University of Southern Mindanao, Municipal Environment and Natural Resources o MENRO, National Service Training Program o NSTP, Local Government Unit of Kabacan, College of Arts and Sciences, Department of Development Communication, InterVarsity Christian Fellowship o IVCF Kabacan, TRIMMOC, Earth Savers Club, mga fraternities and Sororities at iba pa.


Ang aktibidad ay isinagawa sa USM compound kungsaan mga punla ng Narra at Mabolo ang itinanim ng mga lumahok dito.

Dumalo din sa nasabing programa kanina sina Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., CAS Dean Dr. Evangeline Tangonan, NSTP Coordinator Dr. May Eva Garcia, MENRO Officer Gerry Laoagan at maraming iba pa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento