NEWS UPDATES

National Union Journalist of the Philippines o NUJP dismayado sa pansamantalang pagkakalaya ni Sajid Ampatuan

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Dismayado ang National Union Journalist of the Philippines o NUJP sa pansamantalang pagkakalaya ng isang akusado sa Maguindanao massacre na si Sajid Ampatuan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni NUJP director Nonoy Espina inihayag nitong ang NUJP ay dismayadong dismayado ngunit hindi umano nakikisali ang NUJP sa legal na aspeto ng kaso.


Ang papel umano ng mga ito ay magmatyag, magbantay at tumulong sa mga pamilya ng mga kasamahan sa hanap buhay na nasawi sa masaker.

Dagdag pa ni Espina na hindi lamang NUJP kundi ang iba pang sambayanan na igiit sa Department of Justice na ayusin ang paglitis sa kaso.

Kung titingnan umano ang pagbibigay ng pyansa kay Sajid Esmael Ampatuan ay masisisi sa prosecution.


Ang ibig sabihin umano nito ay mahina ang ebidensya na inihain sa korte.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento