NEWS UPDATES

Pagkaputol at pagtanggal ng mga street lights sa bayan ng Kabacan ipinaliwanag ng COTELCO

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Ipinaliwanag ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang pakaputol at pagtanggal ng mgastreet lights sa bayan ng Kabacan. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio depende umano kung saan naka pangalan ang mga street lights, kung naka pangalan sa Kabacan LGU o sa baranggay Poblacion.
Tinatanggal din nila umano ang mga street lights na walang connection order o mga ilaw na illegal na ikinabit. Ayon din kay Baguio na ang kooperatiba lamang nila ang may katungkulan na pumutol ng serbisyo ng kuryente at ang may katunggulan na magbalik ulit ng linya ng naputol na kuryente.

 Ginagawa rin daw umano ng COTELCO ang lahat ng makakaya upang matanggal ang mga hindi naka bayad at mga ilaw na illegal na ikinabit. Aktibo umano ang kooperatiba sa panghuhuli ng mga illegal tapping. Isa umano ito sa paraan upang mapababa ang bayarin sa kuryente lalo na sa system loss. Ipinaliwanag din niya na hindi naman daw umano talamak ang illegal tapping sa bayan ng Kabacan dahil natututukan naman ang mga ito.



Siniguro din ni Baguio sa mga konsumidores ng COTELCO na may mga plano na ang kooperatiba upang masiguro ang normal na serbisyo ng kuryente.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento