NEWS UPDATES

Isa, patay matapos tamaan ng Dengue sa Bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Isa ang naitalang patay dahil sa dengue sa huling Quarter ng taong 2014 sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Municipal Epidemiology Surveillance Unit Disease Surveilance Coordinator Honey Joy Cabellon, ang biktima ay galing sa Brgy. Poblacion ng bayan.

Ayon sa kanilang datus, nagkaroon ng 16 na kaso ng Dengue ang naitala sa 4th Quarter mas mababa sa nakaraang 3rd Quarter na meroong 27.


Ang 16 na kaso ay naitala ay mula sa Brgy. Aringay na meroong 1, 2 sa Brgy. Bangilan, 3 sa Dagupan, 2 sa Kayaga, 1 sa Nangaan, 6 sa Poblacion, at 1 sa Sangadong.

Sa record din ng MESU na ipinarating sa DXVL News sa buong taon, nagkaroon ng 93 na kaso ng dengue at 41 sa mga ito ay galing sa Poblacion.

Nakapagtataka namang nasa Poblacion ang pinakamaraming naitatalang kaso ng nasabing sakit kahit paman ito ang sentro ng bayan na kung saan ay babad sa mga kampanya para sa pagsugpo o pag iwas sa nasabing sakit. Mark Anthony Pispis


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento