
Ayon Kidapawan City Mayor Joseph
Evangelista, magiging libre ang lahat ng events sa nasabing aktibidad,
highlights din sa pagdiriwang na ito ang ibat-ibang aktibidad ng magsusulong ng
turismo sa nasabing lungsod kagaya ng presentasyon ng ibat-ibang
katutunong
grupo, Barangay Pasiklaban, Cheer Dance Competition, Color and Neon Run for
Fun, “Peace Concert” tampok ang ibat-ibang Local Bands, Stand-up Comedians, at
ang bandang ASIN at marami pang iba.
Inanunsyo din ng Alkalde na wala muna
magaganap ng Search for Mutya ng Kidapawan sa nasabing aktibidad sapagkat
kanila muna itong pinaplantsa at dumaan pa sa overhauling ang nasabing
patimpalak ngunit inaasahan namang maipapalabas ito sa darating ng buwan ng
Oktobre sa bagong at mas pinagandang konsepto nito.
Planado narin umano ang Security Plan, sa
nasabing aktibidad. Meron umanong nakaassign na Security Team na magbabantay sa
mga entrance at exit points sa Pob. At merron ding nakaantabay na security
personnel’s sa City plaza.
Ipagbabawal din sa nasabing aktibidad ang
pagdala at paginom ng mga nakalalasing na inumin, pagpasok ng lasing, at
pagdala ng backpack.
Aabangan din ang engrandeng Fireworks
Display sa finale ng nasabing aktibidad.
Tinatayang nasa P3.5 milyon ang ilalaang
pondo para rito. Mark Anthony Pispis
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento