NEWS UPDATES

BBL magiging basehan sa pagtatatag ng bagong Bagong political Entity na papalit sa ARMM

(Amas, Kidapawan City/ January 15, 2015) --- Umaasa ngayon ang pamunuan ng GPH-MILF na magiging maayos ang gagawing transition sa pagpapalit ng bagong Bangsamoro Political entity.

Ito sakaling maplantsa na ng maayos ang draft ng Bangsamoro Basic Law.

Sa isang forum sa Provincial Capitol ng Cotabato kamakailan, inihayag ni legal council ng GPH-MILF Atty. Al Jukipli na ang nasabing batas ay magiging basehan sa pagtatatag ng bagong political entity ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o ARMM kungsaan dumaan ito sa tinatawag na legislative measures.


Dagdag rin niyang ipinaliwanag na sa kasalukuyan, ang Bangsamoro Basic Law ay draft at proposal pa lamang. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento