NEWS UPDATES

Family feud o rido sinusundang anggulo sa pagpaslang sa guro ng President Roxas

(North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pres. Roxas PNP upang alamin kung anu ang motibo sa pagbaril patay sa isang guro sa Pres. Roxas, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ayon kay PSI Rommy Castañares hepe ng Pres. Roxas PNP family fued o rido ng pamilya ang isa sa sinusundang anggulo ng kanilang imbestigasyon hinggil sa pagpaslang sa kinilalang biktima na si Marato Ampatuan, isang guro sa liblib na paaralan sa Datu Sundangan Elementary School sa nasabing lugar.


Sa panayam ng DXVL news sa opisyal na wala umanong kinalaman sa trabaho bilang guro ni Sir Marato Ampatuan ang pagpaslang dito dahil kilala naman umanong mabait ang guro ayon sa mga katrabaho nito.

Dagdag pa ni Castañares na balik sa normal ang klase sa paaralan at nakipag ugnayan na sila sa mga baranggay officials upang tumulong sa pagbabantay sa seguridad. Inilarawan din ni Castañares ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon pa kay Castañares, sa pangkalahatan ay normal ang sitwasyon ng peace and order sa bayan ng Pres. Roxas at pagsisikapan ng PNP na maibigay ang hustisya sa biktima. Rhoderick Beñez and Christine Limos


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento