NEWS UPDATES

Mga kapulisan blangko pa sa Motibo sa Pagsabog ng granada sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Patuloy pa ngayong inaalam ng mga otoridad kung anu ang sanhi ng pagsabog ng granada sa bayan ng Carmen, North cotabato kamalawa ng gabi.

Ayon kay PSI Julius Malcontento, hepe ng Carmen PNP kinilala nito ang biktima na si Melanie Marcelino,43-anyos, dalaga at residente ng Purok 7, Brgy. Poblacion Carmen, Cotabato.

Ang pagsabog umano ay naganap 8:16 ng gabi noong martes sa harap ng bahay malapit sa pintuan ng biktima.

Sinabi ng opisyal na isang Hand Fragmentation Grenade na isang uri ng granada ang sumabog.

Ayon umano sa imbestigasyong isinagawa ng kapulisan, ang pagsabog umano ay nagmula sa loob ng bahay malapit sa pintuan.


Isa naman sa sinusundang sanhi ng pagsabog ng granada ay sinasabing ‘Self Accident’. Subalit idiniin din naman ni PSI Malcontento na nagpapatuloy parin ang imbestigasyon at nakasalalay dito ang ilalabas nilang impormasyon. Christine Limos

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento