NEWS UPDATES

Bilang ng mga nagrenew ng Business Permits sa Kabacan sa isang linggo, nasa 12% pa lamang

(Kabacan, North Cotabato/ January 15, 2015) ---Nasa humigit kumulang 100 o 12% pa lamang ang naitalang nakakarenew ng kanilang Business Permits sa kasasagsagan ng Business One Stop Shop o Boss ditto sa bayan ng Kabacan mula noong Enero a-7 hanggang kahapon.

Ayon kay LGU Kabacan, Administrative Officer Cecilia Facurib, nasa humigit kumulang 800 daang establisyemento ang nakatakdang magrerenew ngayong taon.


Maalalang isang linggo na ang nakakalipas ng maagsimula ang nasabing programa na kung saan ay naglalayong mapabilis at komportable ang pagkuha at pagrerenew ng nasabing permits na kung saan ay nasa iisang lugar na ang lahat ng departamentong meroong asignatura sa nasabing papeles.

Magtatapos ang programa sa Pebrero a-7 sa susunod na buwan ng taong ito at paglagpas ng nasabing araw ay merron nang kaukulang penalidad.


Patuloy naman ang panghihikayat ng LGU Kabacan sa mga negosyanteng na habang maaga pay kumuha na o magrenew na ng kanilang mga Business Permits habang wala pang penalidad. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento