NEWS UPDATES

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Dead On Arrival sa bahay pagamutan ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin habang paakyat sa kanilang bahay sa Purok 2, Brgy. Salvacion, Matalam, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Tito Dioso Patricio, 54-anyos residente ng nasabing lugar.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP sinasabing nag-iinuman pa umano ang biktima ng lambanog na mas kilala sa tawag na tuba sa local name at paakyat na sa kanilang bahay kasama ng Misis nito ng biglang umali-ngawngaw ang tunog ng baril.

Doon na at natamaan ng dalawang bala sa kanang kamay at paa ang biktima na mabilis na isinugod sa bahay pagamutan.

Hindi na umabot pa ng Kidapawan Doctor’s Specialist ang biktima ng binawian na ito ng buhay.

Sinasabing 12 gauge shotgun ang ginamit sa nasabing pamamaril batay sa mga bala na nakita sa sugat ng biktima.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Matalam PNP sa nasabing insedente at upang alamin ang motibo at panagutin ang responsable sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento