NEWS UPDATES

Provincial government ng North Cotabato,nagpaabot ng pakikiramay sa mga sundalong nasawi sa ambush sa Basilan

By: Christine Limos

(North Cotabato/ November 5, 2014) ----Nagpa abot ng pakikiramay ang pamahalaan ng probinsya ng North Cotabato sa mga naulilang pamilya ng anim na sundalong namatay sa ambush sa Sumisip, Basilan noong Nobyemre 2.

Matatandaan na apat sa mga nasawing sundalo ay taga North Cotabato.

Ayon sa Provincial Government Office Media Bureau, magbibigay ng limang libong pisong cash assistance si Gov.Lala TaliƱo-Mendoza sa pamilya ng apat na sundalo na sina Sgt.Tranquilino Germo, Private First Class Rolando Entera, Freddie Pandoy at Mark Singson na kasapi ng 64th Infantry battalion habang nasa ilalaim ng 6th Infantry Division.

Si Germo, Entera at Pandoy ay mga taga Aleosan Cotabato at si Singson ay mula sa Brgy. Manuangan Pigcawayan North Cotabato.Nahatid na sa pamilya na ang mga labi ng mga sundalo matapos ang send off funeral ceremony sa Air Force base sa Zamboanga City kahapon.

Una rito, Bumuhos ng luha mula sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo sa Basilan, ng dumating ito sa Awang Airport ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sakay ng C-130 plane ng Philippine Air force.

Sinalubong ng seremonya ng mga sundalo mula sa 6th infantry division Philippine army ang apat na labi na binaba mula sa natruang eroplano.

Matapos ang seremonya, kasama ang mga sundalo at mga pamilya ng mga sundalong nasawi, sinakay na ang mga ito sa mga 6x truck ng 6ID upang idiritso sa morgue at mailipat na sa kanilang mga kabaong.


Tanggap naman ni Rudy Canuto ang ama ni Private first class Raffy Canuto, taga-Sultan Kudarat na isa sa mga nasawi sa naganap na ambush, ang sinapit ng kanyang anak sa kamay ng mga armadong grupo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento