NEWS UPDATES

Isang Brgy. sa Kabacan, hinarass ng mga armadong grupo

(Kabacan, North Cotabato/ November 5, 2014) ---Sinalakay ng mahigit kumulang sa 30 mga armadong grupo ang Sitio Ladao ng Brgy. Pedtad, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP hinarass ng mga armadong grupo ang pangkat ni Kapitan Romeo Mantawil kungsaan umaabot sa 30 ang palitan ng putok sa magkabilang panig.

Sinabi sa DXVL ni col. Maribojo na wala namang mga residenteng nagsilikas matapos ang putukan kagabi.

Wala ring may naireport na casualties sa nasabing insidente.

Sa hiwalay na impormasyong ipinadala ni Col. Noel Clement ang commanding Officer ng 602nd Brigada sinasabing grupo umano ni kumander Gafur at Kumander Abdila Matitik ang responsableng sa mga panghaharas sa pangkat ni Kapitan Romeo Mantawil ng Brgy. Pedtad.

Nakatakdang tunguhin naman ngayong araw ng kapulisan ang lugar upang alamin ang puno’t dulo sa nasabing girian na sinasabing ika-lawang beses na nangyari ang nasabing pagsalakay ng nasabing grupo. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento