(Maguindanao/ September 5, 2014) ---Napatay
ang 15-anyos na hayskul student at barangay kagawad sa naganap na magkahiwalay
na karahasan sa Barangay Kanguan, bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa.
Kinilala ni P/Insp. Roldan Kuntong ang mga
biktima na sina Datukung Kasim, 2nd year high school; at Kagawad Datuhan Kiton
Haron, 36, ng Barangay Liong.
Base sa police report, si Kasim ay niratrat
habang nakasakay sa traysikad habang sugatan naman ang 9-anyos na driver ng
traysikad.
Samantala, niratrat at napatay si Kagawad
Haron sa bahagi ng Datu Piang Avenue kung saan nakatakas naman ang gunmen na
lulan ng motorsiklo. Rhoderick BeƱez
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento