NEWS UPDATES

Stipends tinanggap na ng government interns sa Unang Distrito ng North Cotabato

By: Roderick Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Nagsimula nang tumanggap kahapon ng kanilang stipends ang  government interns sa Unang Distrito ng North Cotabato.

Natanggap nila ito sa pamamagitan ng local money transfer sa iba’t- ibang bayan sa PPALMA area.

Ayon kay Sheril Gay Licera, isang government intern na nagsisilbi sa lokal na pamahalaan ng Alamada, bagaman naghintay sila ng higit isang buwan ay nagagalak siya at dumating na ang kanilang mga sahod.

Kung matatandaan, ang first stipend ng government interns ay ipinamahagi noong July 21 kung saan mismong si DOLE XII Regional Director Ofelia Domingo ang nanguna sa distribusyon ng mga tseke.

Ang DOLE- GIP ay isang programang nagbibigay ng pagkakataon sa mga fresh graduates na makapagtrabaho sa gobyerno at ma- expose sa larangan ng paglilingkod sa bayan.

Sa unang distrito ng North Cotabato, magkatuwang itong ipinapatupad ng DOLE North Cotabato Field Office sa pakikipagtulungan ng tanggapn ni Cong. Jesus Sacdalan at mga local government units and line agencies. DXVL News


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento