NEWS UPDATES

Bayan ng Kabacan, isinailalim na sa State of Calamity

(Kabacan, North Cotabato/ September 5, 2014) ---Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Kabacan matapos na ideklara ito ng Sangguninag bayan sa isinagawa nilang special session nitong Miyerkules ng hapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Vice Mayor Myra Dulay Bade ito ay bunsod na rin ng mga pagbabaha sa bayan ng Kabacan kungsaan siyam na mga barangay ang naapektuhan.

Ito ang naging aksiyon ng pamahalaang lokal upang mapabilis ang pagpapalabas ng pondo upang magamit ng LGU Kabacan ang 5% calamity fund nito mula sa Disaster Fund.

Dagadag pa ni Vice Mayor, tinatayang nasa 990.40 hectars at 882 na mga magsasaka sa bayan ng kabacan ang naapektuhan ng naturang mga pagbaya. Rhoderick BeƱez with report from Mark Anthony Pispis



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento