NEWS UPDATES

USM, di magpapatupad ng tuition hike

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Iginiit ng pamunuan ng University of Southern Mindanao na hindi ito magtatas ng bayarin sa matrikula.

Ito ang inihayag sa DXVL News kahapon ni USM Spokesperson at University Public Relations and Information Office Director Dr. Rommel Tangonan.


Aniya walang pagbabago sa matrikula ng mga mag-eenrol sa nasabing pamanatasan sa kabila ng tuition hike sa ibang mga koliheyo at unibersidad sa SOCCSKSARGEN Region.

Napag-alaman na isa ang USM sa may pinakamababang matrikula hindi lamang sa North Cotabato kundi maging sa buong Region 12 na patuloy na nagbibigay ng dekalidad na edukasyon.


Samantala kinumpirma  ni  Commission on Higher Education  12 regional director  Maximo Aljibe,  na  “good as  approved” na  ang  petisyon ng  13  paaralan para magtaas  ng  mula  5%  hanggang 7.34%  sa kanilang  tuition. Rhoderick BeƱez with report from Zhaira Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento