NEWS UPDATES

P22M, inilabas ng PDRRMO matapos na inilagay sa state of Calamity ang North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ May 23, 2014) ---Isinailalim na ang buong lalawigan ng North Cotabato sa state of calamity dahil sa nangyaring cholera outbreak sa bayan ng Alamada, pananalasa ng buhawi, pagtama ng iba’t-ibang sakit kagaya ng measles at rabies at ang epekto ng tag-init sa unang bahagi ng taon.

Ito matapos na maaprubahan sa Sangguniang Panlalawigan ng North Cotabato ang naging rekomendasyon ni Governor Emmylou Mendoza at ng Provincial Disaster Risk and Reduction Management (PDRRM).

Sa panayam ng DXVL News kay kay PDRRM senior officer Cynthia Ortega na nagpalabas ng P22 million na emergency response fund ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa lalawigan ng North Cotabato.

Aniya, layun ng naturang deklarasyon na magamit ng probinsya ang emergency response fund upang matulungan ang mga naging biktima ng cholera outbreak at iba pang sektor na apektado rin ng measles, buhawi, at tag-init sa lalawigan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento