NEWS UPDATES

Muslim Holiday, ipinagdiriwang ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Ipinagdiriwang ngayong araw ang Muslim Holiday na tinatawag na Laylatul Isra’ Wal Mi’raj, ang gabing paglakbay sa Jerusalem at pag-akyat sa langit ni Propeta Muhammad.

Ayon kay National Commission on Muslim Filipinos Acting Regional Director Galay Makalinggan na isa ito sa mga kinikilalang muslim holiday  sa bansa batay sa Presidential decree 1083.

Kabilang sa mga lugar kungsaan inoobserba ang nasabing okasyon ay ang mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Norte, Lanao de sur, Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, sulu, Tawi-tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del sur kasama na ang mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian at Zamboanga.

Samantala, maari ding di pumasok sa kanilang tanggapan ang mga Muslim na opisyales at kawani ng pamahalaan sa ibang lugar na di saklaw sa nabanggit, ito para maobserba rin nila ang nasabing okasyon.

Ang Isra at Mi'raj ay ang dalawang mga bahagi ng isang Paglalakbay na, ayon sa Islamic tradisyon, ang Islamic propeta Muhammad kinuha sa panahon ng isang solong gabi sa paligid ang 621 taon. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento