NEWS UPDATES

Pastor, biktima ng nakaw motorsiklo

(Kabacan, North Cotabato/ May 26, 2014) ---Dumulog sa himpilan ng Kabacan PNP ang isang pastor matapos na mabiktima ng nakaw motorsiklo sa mismong parsonage nila sa bahagi ng Isulat compound, National Highway, Kabacan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Pastor Josue Solomon, nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.


Sa salaysay ng biktima, pinasok umano ng di pa nakilalang mga magnanakaw ang nasabing parsonage bandang alas 2-3 ng madaling araw at tinanggal ang jalousie ng kanilang bintana para gawing entrance point.

Nang matunugan ng biktima, kanyang sinigawan ang mga salarin dahilan para abandonahin nila ang isa pang motorsiklo na pag-mamay ari ng anak ni Pastor Solomon na iniwan sa harap ng Garcia Residence.

Pero ang bagong Bajaj na motorsiklo ng biktima natangay ng mga suspek na kumaripas ng takbo sa bahagi na ng Katidtuan.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento