NEWS UPDATES

Bata sugatan matapos mabundol ng tricycle sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 13, 2014) ---Sugatan ang isang apat na taong gulang na bata makaraang aksidenteng mabundol ng tricycle sa Mega Market ng Kidapawan kahapon.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jonathan Ongpin Kawaladang Jr., 4 na taong gulang at residente ng Bangsamoro Village Kidapawan City.


Sa report ng Kidapawan City PNP Traffic Division kinilala ang suspek na si Ruel Elegino Heneral, 34-anyos, may asawa, drayber at residente  ng brgy. New Cebu Pres. Roxas, Cotabato sakay ang pampasaherong traysikel na Suzuki Jitney na may plakang MVS232.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, tinatahak ng tricycle ang kahabaan ng Mega Market ng biglang tumawid ang biktima.

Sugat sa iba’t-ibang katawan ang tanamo ng bata na mabilis namang isinugod sa Kidapawan Medical Specialist. Zhaira Sinolinding


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento