NEWS UPDATES

Most wanted na timbog ng Pikit PNP; inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest

(Pikit, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang most wanted sa bayan ng Pikit makaraang maaresto sa Brgy. Fort Pikit, Cotabato alas 4:00 ng hapon nitong lingo.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Abdulrashid Simpal Bantuan, 51-anyos at residente ng brgy. Talitay sa nasabing bayan.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong robbery at double homicide batay sa warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judge George Jabido ng RTC Branch 18.

Matagal na umanong tinitiktikan ang suspek na nagtatago sa bahay ng kanyang kamag-anak sa nasabing lugar.


Sa ngayon pansamantalang nakapiit sa Pikit lock up cell ang suspek. Rhoderick BeƱez with report from USM-DevCom intern Regine Lanuza DXVL NEWS!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento