NEWS UPDATES

65-anyos na Mister, patay sa sunog sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Pinaniniwalaang inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang isang 65-anyos na mister kaya hindi ito nakaligtas ng mangyari ang sunog sa kanilang tinitirhan sa barangay Cabaruyan, Libungan, North Cotabato.

Sa ulat ni Punong Barangay Captain Joridine Bonao kinilala ang biktima na si Antonio Maglasang, 65-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Naninigarilyo umano ang biktima ng inatake ito ng kanyang sakit na epilepsy na siya’ng dahilan ng sunog.

Batay sa report wala din umano ang misis nito ng maganap ang insedente kaya hindi nailigtas ang biktima.

Kasama sa nasunog si Magsalang bukod pa sa naabu ang kanilang bahay sa nasabing insedente.

Posibleng may kalayuan ang lugar kaya di agad nakapag responde ang mga kagawad ng pamatay apoy. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom Intern Davie Jame Castillo



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento