NEWS UPDATES

Pagpapanatili ng kaayusan sa dating conflict- affected area sa Alamada, North Cotabato hiniling

Written By: Rod Rivera Bautista

(Alamada, North Cotabato/ April 11, 2014) ---Hiniling ni North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan sa mga residente ng Barangay Guiling, Alamada na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa lugar.

Ginawa ito ng opisyal sa idinaos na Peace and Development Dialogue kamakailan sa nasabing barangay.

Ito ay bilang tugon sa usaping mayroon umanong banta ng panggugulo sa implementasyon ng road project sa kahabaan ng Banisilan- Guiling, Alamada- Libungan National Highway.


Kasama sa natukoy na dayalogo ang mga kinatawan ng military at lokal na pamahalaan ng Alamada.

Binigyang- diin din ni Rep. Sacdalan na ang pagsasaayos ng nasabing national highway ay bahagi ng pagpapakita ng gobyerno na seryoso ito sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran lalo na at nalagdaan na ang Comprehensive Agreement on the Bangsmoro.

Kaugnay nito ay tiniyak naman ni Guiling Barangay Chairperson Ali Egal na sisikapin nilang mapanatili ang kaayusan sa lugar upang mapabilis at masigurong tuloy –tuloy ang trabaho ng nag-papatupad ng proyekto.

Kung matatandaan, ang Barangay Guiling ay isa sa mga lugar na naapektuhan ng kaguluhan sa bahaging ito ng Unang Distrito ng North Cotabato.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento