NEWS UPDATES

Kaso ng nakaw motorsiklo at Vehicular accident sa North Cotabato sa unang quarter ng taon; tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2014) ---Tumaas ng tatlumpung porsiento ang kaso ng vehicular accident sa kaparehong quarter kung ikukumpara sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Ito ang sinabi ni Cotabato Police Provincial Director P/SSupt. Danilo Peralta sa DXVL News kahapon.
Aniya, karamihan sa mga ito ay sangkot sa motorcycle accident.

Kaya payo nito sa mga motorista, na sundin ang batas trapiko upang maiwasan ang aksidente sa daan.

Maliban dito sinabi ni Peralta na tumaas din ang kaso ng nakaw motorsiklo nitong nagdaang buwan.
Ito dahil aniya sa pagdami na rin ng mga motorsiklo sa daan.

Aminado ang opisyal na kapag tumaas ang sales ng motorsiklo ay malaki ang posibilidad na tumaas ang bilang ng nakawan ng motorsiklo kasama na ang aksidente sa daan.

Samantala maliban sa nabanggit, bumaba naman ang kaso ng murder, robbery, homicide at ilan pang kahalintulad na krimen kung ihahambing naman ang datus nito sa nakaraang taon at kaparehong buwan.

Tiniyak naman ni Director Peralta ang publiko na magtuloy-tuloy ang serbisyo ng kapulisan para sa mamamayan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento