NEWS UPDATES

Mahigit 2,500 na mga mag-aaral ng USM, magsisipagtapos sa dalawang araw na graduation rites

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 11, 2014) --- Hinati sa tatlong cluster ang ginagawang graduation rites ng mga magsisipagtapos na mag-aaral ng University of Southern Mindanao ngayong araw.

Ito ayon kay USM Spokesperson/University Public Relations and Information Office Director Dr. Rommel Tangonan.

Aniya ang cluster 1 ay binubuo ng: Graduate School, CVM at CENCOM kung saan magsisimula ang kanilang baccalaureate program at cluster graduation mamayang ala 1:00 ng hapon sa USM Gymnasium.

Magiging baccalaureate speaker dito si Rev. Blenn Nimer, ang Founding Pastor ng 26:8 Generation.

Maglalagay din ng hood sa mga gagraduate para lamang ito sa cluster 1 na mag magsisispagtapos.

Samantala, nagsimula naman kaninang alas 5:00 ng umaga ang baccalaureate program at graduation para sa cluster 2 at 3 sa USM Gymanasium.

Ang cluster II ay binubuo ito ng mga estudyante ng: CAS, CED, CHEFS at CHS.

Magiging tagapagsalita naman dito si Rev. Nathaniel Silao ang Administrative pastor ng UCCP, Kabacan, Cotabato.

Cluster III CA, CBDEM, IMEAS at DTI.

Si Rev. Diosdado Corpuz, Youth Minister, Church of Christ San Felipe, Tantangan, South Cotabato ang magiging tagapagsalita sa kanilang Baccalaureate program.

Samantala, sa mahigit 2,500 na mga magsisipagtapos nangunguna sa kanila si Vargas, Melissa Gabrielle Hernan na may GPA na 1.385 na itinanghal na Magna Cum Laude.

Sinabi naman ni Dr. Tangonan na nakalatag na ang seguridad sa tulong ng USM Security force at sa pakikipagtulungan ng PNP Kabacan at military sa paligid ng Pamantasan. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento