NEWS UPDATES

Dayalogo kaugnay ng implementasyon ng road projects isasagawa sa PPALMA

Written by: Rod Rivera Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ April 25, 2014) ---Nakatakdang magsagawa ng dayalogo ang Department of Public Works and Highways o DPWH kaugnay ng ipapatupad na Farm to Market Road Development Program o FMRDP sa PPALMA area.

Gaganapin ang nasabing dayalogo mula a-28 hanggang a-30 ng Abril sa iba’t- ibang barangay kung saan ipapatupad ang FMRDP.


Kaagapay ng DPWH Cotabato 2nd Engineering District Office sa pagsasagawa ng dayalogo ang tanggapan ni rep. Jesus Sacdalan kasama ang mga opisyal ng barangay.


Hinihikayat ng mga nabanggit na ahensya ang mga mamamayan sa iba’t- ibang barangay na kabilang sa FMRDP na lumahok sa gagawing dayalogo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento