NEWS UPDATES

Kilos protesta, ikakasa sa PPALMA Area sa North Cotabato kontra malawakang brownout

(Midsayap, North Cotabato/ April 24, 2014) ---Nakahanda na ang ikakasang kilos protesta laban sa nararanasang mahabang brownout sa PPALMA Area ngayong Mayo 1.

Ito’y tatawagin na “hamon ng bayan, Paliwanag mo protesta laban sa hindi makatarungang brownout”.

Ayon sa ilang mga negosyante sa bayan ng Midsayap unti-unti na umanong bumabagsak ang ekonomiya ng probinsya dahil sa napakahabang brownout kung may kinikita man sila ay napupunta lamang sa pambili ng gasolina o krudo ng kanilang mga generator set.

Tumaas rin ang bilang ng kremin sa North Cotabato tuwing brownout lalo na sa gabi.

Nakakaranas ng pito hanggang sampung oras na brownout ang PPALMA sa North Cotabato.

Sa panig naman ng Cotabato Electric Cooperative (Cotelco-PPalma) sinabi ni OIC General Manager Engr Felix Canja na hindi nila kontrolado ang brownout mababa umano ang load allocation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kay napilitan silang magpatupad ng rotational brownout.


Dahil dito, nais ngayong kalampagin ng mga Kutabatenyos ang Department of Energy o DOE sa lumalalang krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao. Rhoderick BeƱez/ DXVL News

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento