NEWS UPDATES

Sagupaan ng 2 pangkat na armadong grupo, sumiklab sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Muling sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng dalawang Moro Fronts sa may Barangay Tonganon, Carmen, North Cotabato pasado alas 3:00 kahapon ng hapon.

Ayon kay 602nd Brigade Philippine Army Spokesman Captain Antonio Bulao na nagkasagupa ang grupo nila Kumander Karim ng 110th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) laban sa pinagsanib na pwersa ng Civilian Volunteer Organization (CVO) at grupo ni Kumander Minanimbong ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa hangganan ng Brgy Tonganon at Brgy Tupig Carmen North Cotabato.


Nagbarikada umano sa kalsada ang grupo ni Kumander Karim at pinigilan ang mga magsasaka na mailabas ang kanilang mga inaning palay at mais para ibinta sa ibang bayan.

Dahil dito, nagresponde ang mga tauhan ni Kumander Minanimbong ng MNLF kasama ang mga CVO dahilan para sumiklab ang sagupaan.

Agad namang kumilos si Carmen Mayor Roger Talińo , North Cotabato Governor Emmylou”Lala”Taliňo Mendoza at pwersa ng 602nd Brigade Phil.Army para ayusin ang gusot ng magkalabang grupo.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento