NEWS UPDATES

2 USM students na drug Courier, arestado ng mga pulisya sa Kidapawan City

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Imbes na sa paaralan sa kulungan ang punta ng dalawang mga estudyante ng University of Southern Mindanao Main Campus dito sa bayan ng Kabacan makaraang mahuli sa buybust operation kahapon.

Naaresto ang dalawang mga estudyante na di kinilala sa report sa Barangay Balindog, Kidapawan City.


Ang dalawa ay pawing mga education students ng USM.

Ayon sa report galing ng Kabacan ang dalawa at nagmotorsiklo lamang para mag deliver umano ng ipinagbabawal na gamut ng mahuli ang mga ito.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kidapawan City PNP ang dalawang estudyante habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento