NEWS UPDATES

RTC 18 Sheriff, kritikal makaraang pagbabarilin sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ang Sheriff ng Regional Trial Court matapos na pagbabarilin sa mismong bahay nito sa Barangay Agriculture, Midsayap, North Cotabato alas 7:00 kagabi.

Kinilala ng Midsayap PNP ang biktima na si Nitoy Diazon residente din ng nasabing lugar.


Ayon sa report, tinamaan sa dibdib ang biktima ng di pa matukoy na uri ng armas makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek.

Kritikal ang kondisyon ng biktima kaya agad itong isinugod sa pinakamalapit na bahay pagamutan.

Tumakas naman ang suspek sa di malamang direksiyon matapos ang insedente.

Inaalam na ngayon ng mga otoridad kung may kinalaman sa trabaho nito ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento