NEWS UPDATES

Motorsiklo ng rubber tapper, tinangay sa Antipas, NCot

(Antipas, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Tinangay ng di pa nakilalang mga suspek ang motorsiklo ng isang habal-habal driver sa bayan ng Antipas sa North Cotabato kamalakawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jerwin Delos santos Cabaluna, 28 at residente ng Barangay B Cadungon, Antipas.


Ayon sa report ni Police Inspector Felix Fornan ang hepe ng Antipas PNP namamasada si Cabaluna at pinara siya ng dalawang mga suspek na magpapahatid sa kasunod na Barangay pero pagdating nila sa Barangay Malatab ay agad na nagdeklara ng hold-up ang isa sa mga suspek sabay tutok ng baril.

Pero walang maibigay na pera ang biktima dahilan para bumunot ng isa pang armas ang isa pang suspek at binaril ang biktima at buti nalang ay hindi ito tinamaan at dali-dali itong tumakbo palayo sa lugar habang ang motorsiklo ay tinangay ng mga salarin papunta sa direksyon ng Barangay Sarayan sa bayan ng President Roxas.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng Antipas PNP para sa ikadarakip ng mga suspetsado. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento