NEWS UPDATES

3rd Year High School Student sa Arakan, NCot; nagpatiwakal!

(Arakan, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Nagpasalubong kay kamatayan ang isang 15-anyos na high school student makaraang magbigti ito sa loob ng mismong bahay nila sa Barangay Doroluman, Arakan, North Cotabato alas 9:30 kahapon ng umaga.

Sa phone interview ng DXVL News kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP kinilala ang biktima na si Readalle Bugacia Magbanua, estudyante ng Marciano Dahan National High School sa nasabing lugar.


Batay sa report, nakita na lamang nang tiyahin ng biktima na nakalambitin ang ito sa loob ng mismong silid nito.

Naisugod pa si Magbanua sa pinakamalapit na bahay pagamutan sa lugar pero hindi na ito umabot ng buhay.

Isang plastic na tali ang ginamit nito sa pagpapakamatay.

Bagao nangyari ang insedente, may sulat itong iniwan.

Posibleng matinding problema sa pamilya at depression ang dahilan kung bakit kinital ng dalagita ang buhay nito, batay sa nakasaad sa iniwan nitong sulat, ayon kay PSI Oranza.


Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulisya. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento