NEWS UPDATES

Magsasaka, patay sa pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 25, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa pamatay ang isang magsasaka sa Sitio New Leon, Upper Bao, Alamada, North Cotabato alas 7:30 ng gabi kamakalawa.     
                                                             
Kinilala ni PCInps. Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Hernanie Aplaon Reducto, 59, kasado at residente ng nasabing lugar.         


                                                               
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, pauwi na ang biktima kasama ang kanyang kaibigan sa Sitio New Leon, Barangay Dado buhat sa sitio Palipayen ng nasabing barangay ng harangan ang mga ito ng di pa nakilalang salarin at pagbabarilin gamit ang 12 gauge homemade shotgun.  
        
Dalawang tama ng bala ang tinamo ni Reducto na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.   
                                          
Mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon matapos ang nasabing insedente.

Malaki naman ang paniniwala ni PCInsp. Todeño na personal grudge ang motibo gayunpaman, di rin nila isinasantabi ang anggulong land conflict. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento