NEWS UPDATES

Electrical fault, isa sa mga anggulong sinusundan ng Matalam BFP sa nangyaring sunog sa Matalam, North Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ January 3, 2014) ---Isa ang electrical related fault sa mga anggulong pinagmulan ng malaking sunog sa isang commercial at residential house sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ito ang napag-alaman mula kay Fire Insp. Marlean Nabor ng Bureau of Fire Protection Matalam.


Aniya, mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa mga paninda na laman ng bodega at ang ilan sa mga bahay ay gawa sa light materials.

Tinatayang mahigit pa sa P5 Milyun ang danyos sa naturang sunog ilang oras matapos ang pagsalubong ngbagong taon.

Kaugnay nito, pinalalahanan ngayon ng opisyal ang publiko hinggil sa One Minute Fire Prevention.
Ayon kay Nabor, dapat na i-unplug ang lahat ng mga appliances bago matulog at umalis ng bahay at opisina.


Bukod dito, patayin din ang mga naka sinding kandila at ang mga gamit sa pagluluto tulad ng stove at kapag gumagamit ng uling tiyaking nabuhusan ng tubig matapos gamitin para di na umapoy. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento