NEWS UPDATES

Libu-libong mag-aaral balik eskwela na ngayong araw, DepEd Cotabato, nakahanda na!

(Amas, Kidapawan City/ January 6, 2014) ---Ngayong araw ang simula ng klase sa lahat ng antas ng mga mag-aaral ng Department of Education kasama na rin dito ang sa kolehiyo.

Ayon kay Deped Cotabato Division Supt. Omar Obas nakahanda na ang kanilang pamunuan sa pagbabalik eskwela ng libu-libong mag-aaral ng Cotabato Division.

Kaugnay nito, ngayong taon din isasagawa ang balsahan sa hanay ng mga District Head Supervisor sa buong Division.

Katunayan aniya, ay inihahanda na nito ang mga bagong assignments ng mga District Supervisor.                              
            
Maliban dito, sinabi ni Obas na may bagong distrito na rin silang binuo at ipatupad ngayong taon sa bayan ng Tulunan at tatawaging “Tulunan East District”.   
  

Samantala, tiniyak din ng opisyal na walang mawawalan at matatanggal sa trabaho sa DepEd Cotabato Division matapos na ipatupad ang Rationalization System sa kanilang ahensiya. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento