NEWS UPDATES

21-anyos na magsasaka, biktima ng panibagong pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 3, 2013) ---Sugatan ang isang 21-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Barangay Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 2:30 kahapon ng hapon.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Ali Makalnas, binata at residente ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao.


Ayon sa report, galing umano ng Land Transporation Office o LTO sa nasabing lugar ang biktima sakay ng motorsiklo ng abangan ng mga di pa nakilalang suspek at pinagbabaril.

Hindi naman nasaktan ang kasama ng biktima na angkas nito na si Angkal Abas, 23-anyos at residente din ng nasabing lugar.

Mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan ang biktima na ngayon ay nilalapatan ng medikal na atensiyon.

Narekober sa crime scene ang limang empty shells at 1 live ammo ng kalibre .45 na pistol.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kabacan PNP para alamin ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang posibleng motibo sa pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento