NEWS UPDATES

1 menor de edad biktima ng firecracker sa pagsalubong ng bagong taon sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 2, 2014) ---Sugatan ang isang 10 taong gulang na bata matapos na maputukan ng Piccolo habang kasagsagan ng pagsalubong ng bagong taon kahapon.

Ayon kay Health Emergency and Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ito na ang pngatlong kaso ng fire cracker related incidents ang naitala ilang araw bago ang pasko at ang pagsalubong ng bagong taon sa bayan ng Kabacan.

Ang biktima ay residente ng cotabato city at nag diwang ng bagong taon sa kanyang kamag-anak dito sa Purok Krislam.

Kaugnay nito, kung ihahambing noong 2012 nakapag tala ang RHU Kabacan ng Zero casualty sa paputok pero noong nakaraang taon abot sa tatlo ang biktima nito kasama na ang isang bata na nasugatan din sa daliri sa Katidtuan at Bonifacio St, dahil sa piccolo.

Samantala sa Arakan, North Cotabato naman --- naging mapayapa sa kabuuan ang pagsalubong ng bagong taon doon maliban na lamang sa isang biktima ng paputok.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza ang biktima na si Christopher Sagun, menor de edad, resident eng Sitio Dilion, Brgy. Poblacion, Arakan.

Dalawang mga daliri nito sa kanang kamay ang nasugatan.

Bukod dito, wala ring biktima ng stray bullet ang naireport sa himpilan ng Arakan PNP, ayon kay Oranza. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento