NEWS UPDATES

Ginang Patay sa Pamamaril sa Maguindanao

(Maguindanao/ January 2, 2013) ---Patay sa mismong unang araw ng taon ang ginang na pinaniniwalaang sangkot sa illegal na gawain makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy. Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao alas 3:40 ng hapon kahapon.

Kinilala ng mga pulisya ang biktima na si Shangrila Seneres Go, residente ng Poblacion 2, Midsayap, North Cotabato.

Narekober mula sa biktima ang ilang plastic heat sealed sachet na walang laman.

Ang biktima ay tinira umano malapit sa bahay ng drug den sa nasabing lugar, ayon sa report ng intelligence community.


Sa ngayon, panawagan sa mga kaanak at pamilya ng biktima na ang bangkay na katawan ng ni Go ay nasa Funeraria Villa na nasa Osias, Kabacan, Cotabato. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento