NEWS UPDATES

Bus Drayber, tinadtad ng bala sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang Bus Drayber ng Weena Bus Line Company makaraang pagbabarilin sa Brgy. Abaga, Libungan, North Cotabato alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni PCInsp. Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang biktima na si Romeo Ala-ay, 44 anyos may asawa at residente sa nabanggit na lugar.


Sa inisyal na ulat, pinasok umano ng di pa nakilalang suspek ang biktima habang nagpapahingi ito sa kanilang bahay.

Nabatid na siyam na beses itong pinagbabaril ng suspek gamit ang 45 caliber pistol sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Libungan PNP para malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento